top of page
Search

Bakit mahalaga ang pagboto ng kabataan sa eleksyon?



Ang pagboto naming mga kabataan tuwing eleksyon ay nagpapakita ng aming pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa aming sarili, kung hindi para sa buong bansa. Ang pagiging mapagmatyag, mapanuri, at matalino sa pagpili ng ibobotong lider ay sumasalamin sa kinabukasan na hinahangad namin para sa bayan. Ang pagboto namin sa mga kandidatong may magandang plano tungo sa pagbabago ang aming paraan ng pagsuporta sa ganoong hangarin. Ang hindi naman namin pagboto sa mga kandidatong nakikilahok sa mga masamang gawain tulad ng pagnanakaw sa pera ng bayan, paninikil, at minsaโ€™y pati na rin ang pagpatay ay ang aming paraan upang pigilan ang paglaganap ng ganitong mga gawain.


Ang maagang pakikilahok ng kabataan sa eleksyon ay isa ring hakbang upang ihanda ang aming mga sarili upang mamuno, at nakakatuwang makita ang kapwa kong kabataan na nagsisimula nang maglingkod sa bayan. Dahil dito, hindi ako naniniwalang ang kabataan ang pag-asa ng bayan dahil lamang sa potensyal na maglingkod sa hinaharap. Naniniwala ako na isa na kami sa mga kumikilos at namumuno upang mapaunlad ang bansa ngayon. Maraming mga kabataan ngayon ang nasa pulitika na at nagagawang mamahala nang maayos. Hindi man kami perpekto, pero naniniwala akong may kakayahan kami na payabungin ang bansa natin.


Kaya naman para sa mga kapwa ko kabataan, gamitin natin ang ating karapatang bumoto upang makibahagi sa pagbabago ng ating bansa. Bumoto tayo, ngunit sanaโ€™y isipin nating mabuti kung sino ang iboboto at kung ano ang kinabukasan na gusto natin para sa ating bansa.



About the Writer

Si Jan Larry Espaรฑo ay isa sa mga Educational Assistance Program (EAP) beneficiaries ng Novaliches Cathedral. Siya ay Grade 11 Technical Vocational Livelihood Track - Information and Communications Technology student sa Jbest School of Technology and Practical Skills, Lagro, Quezon City.

60,184 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page